Noong Saturday (Jan.16, 2010), sa kauna unahang pagkakataon hinarap kami ng Brgy. Captain, simula ng ako ay ng filed ng blotter againts Tessie I. Rosali at Relly Garcia noong Dec.14, 2009. Dahil sa malasakit ko para sa kapakanan ng mga kapitbahay ko at ibang taong dumaan sa dati ng daanan na kanilang binakudan ( blockade of existing access way) ako po ay nakatamo ng invective words/ oral defammation, kung kayat ako po ay ng pa blotter, kasabay nito ang hiling ko sampu ng kapitbahay ko na mabigyan kami ng daan, na mabuksan ang bakod sa dati na namin daanan sa mahabang panahon.
Sa amin paghaharap nuong sabado(Jan.16, 2010), napag usapan namin ang aming mga hinaing sa harapan ng Kapitan ng brgy, subalit kami ay hindi ngkasundo, sa dahilan na ang gusto mangyari ng respondent oorasan niya ang pagbukas at pagsara ng pintuaan ng bakod, sa oras na 7am - 9pm.. Dahil dito hindi ako pumayag sapagkat, karamihan sa akin na naninirahan duon ay nghahanap buhay at may mga mag aaral na pumapasok ng mas maaga at umuuwi ng mas gabi sa oras na gusto niya, at kung halimbawa incase of emergency, kailangan pa namin magmakaawa at pagpaalam para lamang makadaan duon na walang batas na nilalagbag..
Kung kaya't ang aming usapan ay agad na iniwan ng kapitan at bigyan ako ng "cerification to file action" na nagkakahalaga ng 50pesos na ayon sa kanya (para mabawasan na ako ng sakit ng ulo, at problema ang brgy, bibigyan na kita ng endorsement para mapag file ka ng demanda sa municipyo ng Binangonan)
Napakaliit na problema na umaasa ako na nasolusyunan, ay aking ikinadismaya buhat sa kapitan ng Brgy.
Kung susuriin, I was Filed a blotter dated dec.14, 2009, pero una at huli kami hinarap ni Kapitan nuong Jan.16,2010. My 1st hearing dated Dec.18, 2009 hindi dumating ang respondent. 2nd hearing dated Dec.23,2009 with Brgy.Police Chief. 3rd Hearing Jan. 6 with Brgy. Secretary, even i saw brgy. Captain that day and time pero hindi niya kami hinarap. 4th hearing Jan.9 again hindi dumating ang respondent, kaya hindi kami ngkausap. Then last hearing Jan.16, and its was my first time to received a summon ( dapat sana Hearing notice kasi ako ang complainant), hinarap kami ni kapitan sa kauna unahan at huling pagkakataon, samantalang kung tutuusin meron pa kaming dapat na lupon na haharap sa amin, pagkatapos ng paghaharap namin sa Kapitan sana.
Dumulog ako sa Brgy. Sa pag asa na maayos ang aming suliranin, Dahil umaasa ako sa maayos, patas at tamang proseso ng KATARUNGANG PAMBARANGAY,(mediation, conciliation, at arbitration) dahil sa maliit na problema lamang ito ngayon umasa ako na masolusyunan ng brgy, Kahit pa ako mismo at pamilya ko nakaranas ng pang aagrabyado, mula sa mga Inocencio, ng sasaksakin at napatay ng isa sa Inocencio, kasabwat ang 2 anak ni Tessie I. Rosali, pinatay ang Tiyuhin ko sa Harapan ng Torres Compound mismong harapan ng Bahay ng dating Brgy. Kagawad nuong y2004, pero ni isa sa kanila sa Torres walang ngsalita, ngbulagbulagan sa totoong Nangyaring Patayan.
Sa kagustuhan ko na maayos pa, para sa Kapakanan, Katiwasayan ay payapang Pamumuhay ng bawat isa sa amin na naninirahan sa ibabang parte ng Bakod, kung kaya't Patuloy ko Hinihiling na ipagkaloob sa amin na Buksan ni Tessie ang Bakod na kanyang ginawa.
Umaasa ako, Sampu ng Pamilya ko at Mga Kapitbahay ko, na Matulungan nyo po kami. I just call the attention of Binangonan Mayor and Rizal Governor..and I called the attention of DILG official, bigyan nyo po ng pansin ang Hindi Pagsunod sa Proseso ng Katarungang Pambarangay ng Kapitan ng Pantok Binangonan Rizal.
Nag blog po ako, dahil naramdaman ko at nakita ko na hindi kami pinakingan ng Bgry. Kapitan ng Pantok..
Nakita at naranasan ko din ang hindi pagsunod ni Kapitan sa Proseso ng Katarungang Pambarangay.. Walang concialiation at arbitration proceeding na nangyari at agad ng bigay ng Certification to file Action. Maling sistema ang pinaiiral nya..Pakiaksyunan naman po.!!!
Sana po sa Tulong nyo maipagkaloob sa amin ang kahit na daang tao lamang,basta lang po Kami po ay Payapang makakdaan na walang batas na nilalabag.Tatanawin po namin na utang na loob ang pagtulong na maibibigay nyo sa amin Sampu ng mga Kapitbahay ko.
Kalakip po nito and sarili kong layout sa Dating Daanan na binakudan Ni Tessie I. Rosali
Thursday, January 14, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment